April 11, 2011

A Principle on Friendship

We don't lose friends, we just lose people - when we come to the realization that they never were true to you. A principle that proves itself over and over again.

Ang status ko sa facebook na kasalukuyang bumebenta (read: reaping likes) ngayong gabi. Namench, may pinaghuhugutan akech. Pero hindi naman ganun kalalim, kasi kung ano man yung malalim na yun, nahugot ko na - matagal na. Medyo nauulit lang siya ngayon in the experience of my friends. Ito yung prinsipyong na-adopt ko noong panahon na lumong lumo ako sa pagkawala ng inakala ko noong matatag na pagkakaibigan. Ito yung prinsipyo na nagpaintindi sa akin na may mga pagkakataong kahit gaano ka kabuting kaibigan, hindi mo maaaring makaibigan ang taong hindi alam kung papano ito pahalagahan.

Kaya eto, Good Vibes lang ako. 
Ano pa nga ba ang makasisira sa kasiyahan ko ngayon? :)

No comments:

Post a Comment