April 06, 2011

Multiply and Teleport

Today, I went to Ateneo! After 2 long days!
...But I didn't get in. I just had to return Xo's Financial Accounting Book and that's it.

Grabe ang pagpigil sa urge na pumasok. You know, dumaan ng saglit sa lungga na miss na miss ko na (read: guidance office), sumaglit sa office ng deputy academic VP, dumalaw sa Campus Ministry Office, manukso sa Athletics Office, sa Philo Dept..  at sa lahat ng sulok na madalas kong puntahan sa school. Pero actually, hindi naman yung lugar yung pinupuntahan ko doon... yung mga tao. And I've been away from the community for just 2 days and I can't wait to get back. I promised myself na I would only go there this summer pag may official business like org meetings, coordination with offices, etc to give time for myself, my family, and my friends outside Ateneo. Babad din ako sa school the past sem, spending 14 busy hours of my day everyday there. So bale, 10 hours lang ako sa bahay, 8 of which is tulog ako so, mga 2 hours lang ako sa bahay everyday? Ahh. Grabe pala talaga. 6th Pillar Awardee ang drama. Hahaha.

Excited na akong mag-Friday kasi may meeting ang core group officers ng lungga sa araw na iyon. Umaga palang nasa school na ako niyan para mag-complete ng grade (kuno), kumuha ng SRA card, at siyempre, live the usual Ateneo life I learned to love and live everyday.

Bukod diyan, gusto kong magparami (wag kang dirty) at humayo sa iba't-ibang lugar tulad ng Quezon City, Ateneo Avenue, Legazpi, Daet, Iriga, Nabua, Bahrain, Ohio, Magsaysay, Manila, at kung saan-saan pa. Marami nanaman kasi akong namimiss na tao, at ang lalayo nila sa ngayon. I wish I could just fly back and forth to wherever pero restricted ako ng current circumstances like mimoy (read: money) matters and time constraints. Hay, hirap nga naman kasi igather sa isang lugar ang mga taong mahalaga, noh?

Kanina pala, sirang-sira ang mood ko sa di malaman na dahilan. Siguro nga kasi naubos energy ko kapipigil sa sarili ko pumunta sa loob ng school. Pero yan, masaya ako ngayon kasi magmimeet kami ng high school best friends ko sa bahay ng isa sa amin bukas. :)

Kanya-kanyang oras lang talaga siguro iyan. And I'm grateful na I am constantly given chances to be with the people I want to be with - lagi mang may namimiss, lagi naman masaya. Hindi na yata ako mawawalan ng kakasabikan, pero di rin yata ako mawawalan ng kaibigan. 

Sana naman. :)

2 comments: